Thursday, February 9, 2012

Ang Pagmamasid

Na aawa naman ako sa blog ko matagal na din pala akong hindi nakakapag sulat kaya naisipan kong lumabas para may mai-kwento sa inyo kahit na alam kong hindi naman ito makabuluhan, tutal hindi naman ako makatulog ng ganitong oras.


Sa pag labas ko ng kwarto napansin kong malamig ang gabi ngayon, kahapon, nung isang kaahapon, nung isang kahapon pa ulet at siguro bukas, siguro marahil ay papalapit na ang araw ng mga puso( uy Happy Valemtimes day pala sa inyo wag kalimutang mag suot ng proteksyon may ka relasyon ka man o wala ) o dahil natutunaw na nga ang 40,600.98 na tipak ng yelo sa north east blue ng north pole at ang orbit ng ating daigdig ay naiiba na ng ikot kumpara sa karaniwang ikot nito sa axis nya para mahawi ng hangin na nanggagaling sa north pole ang lamig nito pababa at pataas ng equador at tumatama naman sa Pilipinas. at syempre gawa gawa ko lang yan... kung bakit malamig talaga ang gabi ngayong Pebrero ay hindi ko alam... tamad ako mag research tungkol dyan at wala din akong telebisyon sa bahay para makarinig ng balita dyan.

Masarap din pala tumambay dito sa baba ng building ng bahay ko,, madami akong nakikitang tao na nagpupuyat ng ganitong oras para lang kumita ( ang kasalukuyang oras ngyaon habang akoy nagsusulat ay 12:44 ng madaling araw). 

Si aling Meding na may ari ng karinderya sa tapat ay bukas 24 oras at handang magpakaen sa mga gustong kumaen sakanya. medyo sexy naman si aling meding masarap syang kainin.. este yung luto nya. Pero hindi ko type yung pritong itlog na luto ng asawa ni aling meding.. walang alat. yung tahong naman ni aling meding natikman ko nung nakaraang gabi sobrang alat, may red tide yata o hindi lang hinugasan.

Yung magbabalot na nakatambay sa tabi ng karinderya nagutom na yata kasi pati yung tinda nya sya naden nakaen, nagsasawa din kaya sya sa tinda nya? minsan sinubukan ko mangutang ng penoy sakanya ayaw nya.. masungit si manong badtrip!

Yung mga pulis na nakatambay sa daan para lang ma protektahan ang taong bayan sa masasamang nilalang gising na gising paden.. hindi ko lang alam kung pakay nga talaga nilang protektahan ang taong bayan o..o...o... ano maka... ano lam mo yun? hehe. hindi ko lang alam kung eto yung pulis na sumita saken nung nakaraang araw nung sinubukan kong tumawid sa hindi tamang tawiran.nakakapagod naman kasi umakyat ng overpass eh.

Etong guard sa building kung saan ako nakatira eh gising na gising paden habang nakikinig kay papa jack, giliw na giliw si manong guard aba haha! ( wow xoxal may guard ako sa bahay hehe ).. pero bilib din ako dito kay manong eh.. lagi nya ako pinagbubuksan ng gate sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho. tapos sasabihin nya " Good evening sir! how was your day?  oh diba englisero si manong guard. 

Yung mga taxi driver na nag aabang ng pasahero habang sila'y nagpapahinga nag eenjoy sa kara y cruz na nilalaro nila hehe bilib ako ubos na yata kita nila sa maghapon dahil sa laro na yon. pag sunday nag tataxi ako papuntang Makati sana maging kaibigan ko tong mga to para tapat ang pamasahe ko at hindi na manghihingi ng dagdag sa metro.

May mga tao ding padaan daan dito sa tapat ng building namen, palagay ko kagagaling lang nila sa trabaho at gusto na magpahinga, marahil ay pagod ang kanilang katawan dahil sa pagkayod magdamag, mga binting namimintig na dahil sa pagtayo sa trabaho, mga mata na gusto ng magpahinga dahil sa mag hapong nakatitig sa computer. O kung ano mang trabaho meron sila, basta muka silang mga zombies na pagod kakahanap ng brainz..

Eto.... dito ako natatawa sa dalawang tricycle driver sa tapat ng gate namen sa kabilang kalsada.. nagpapataasan sila  ng score sa Space Impact II salit salitan sila pag na dead na yung isa, yung isa naman. Dalawa nalang silang nagaabang ng pasahero eh sila pa nagdadayaan, pambihira hehe.

Sa sobrang pagiging self centered ko eh ngayon ko lang talaga naisip na madami pala talagang tao na handang magpaka puyat sa gabi para lang mag trabaho, kumita, may maipundar, malagyan kahit papano ng laman ang kanilang mga bulsa at may maipakaen sa pamilya. Bilib ako sa mga taong ganon, samantalang yung ibang kakilala ko kumikita ng mabilis pa sa alas kwatro. Triple ng kinikita ng mga ordinaryong tao na nagpapaka puyat dito sa labas ng unit ko. Yung iba naman ayun! sa sobrang gusto nilang kumita ng mas mabilis sa alas kwatro eh nakaka isip ng hindi magandang gawain, Ex:  mga snatcher, holdaper at akyat bahay gang. Dala din siguro ng katamaran at kahirapan. Yung iba naman na nasa pwesto sa Gobyerno ayun... ala una.  Ex:______________________, <---------- you  fill in the blank.

Sometimes, life is unfair to those people who's working so hard just to survive. I agree that we cannot change the way it is, thats the negative part of the stone to balance the  nature. And i do believe that someday.. these people will strike while the iron is hot. They will achieve the sucess that they're searching for.  Someday.... someday... someday,  papayat din ako.

(Pakshet tong dalawang ipis nalipad !!! feel na feel nila ang Pebrero.... napapa english tuloy ako punyeta....









.....Fin ^_^

0 comments:

Post a Comment