Pages

About Me daw..

My photo
Ortigas Center, Pasig City, Philippines
ang mga mababasa ninyo sa pahinang ito ay gawa sa malabnaw, mapait, mapalabok na utak ng isang batang hindi nag be-breakfast.

Total Pageviews

Thursday, November 26, 2015

Huwag Mo Ako Hubaran

Huwag mo ako hubaran
Huwag mo ako hubaran dahil lang sa gusto mo ako bihisan,
Bihisan nang na-aayon sa gusto mo Makita.
Hindi ako yun. 
Hindi ako isang manikin na pwede mo
damitan para may maipakita sa iyong mga kaibigan.
Na pwede ipagmalaki sa kung 
sino-sino lang mahilig Mangutya, 
na para sakanila isa lang ang mahalaga. 
Ang itsura. Sakanila na mas inuuna pa mang-husga 
bago ang pagkilala.

Huwag ako 
Huwag mo nalang ako mahalin kung balak
Mo lang din ako hubaran.
Huwag mo ako baguhin, bagkus ay 
Iyong mahalin sa kung sino ako,
Ang tunay na ako. 
Kung sino ako nung una mong nakilala.
Ako na nginitian mo nung sinabi kong
“pwede ba magpakilala?”. 
Ako na tinugunan mo nang
 “Oo naman, ako nga pala si...”.
Ako na umibig sayo at hindi nag plano na hubaran ka
Nung landiin mo ako ng walang malisya mong tawa.

Ako… 
ako na kahit hindi mo hubaran at bihisan.
Ako na kahit walang suot na maskara… sana…
Mahalin mo.

Thursday, July 31, 2014

CHAROT LANG!

Wag mo sabihin sa akin na wala ako'ng karapatang mag-alala. Dahil nung hinayaan mo akong mahalin ka, tanglaw na ng karapatan ko yun'.

Baliw ang umi-ibig, tanga ang hindi. 
Manhid ang nagmamaang-maangan, 
takot ang ayaw masaktan.

Ang Pag-ibig parang laro ng digmaan. hindi mo alam kung kailan magsisimula, kung sino ang mananalo at kung sino ang maiiwang lumuluha.... 

Huwag kang tataya kung hindi ka marunong magsugal. huwag mo ipapahawak sa iba ang bugkos ng kaligayahan mo tapos pag natalo sisisihin mo ang ibang tao.

Maganda yung nasakyan ko'ng bus kahapon. Malamig ang air con, malambot ang upuan tsaka yung sandalan, pero nung naging kumportable na ako  bigla nalang ako naholdap. bukod sa tangay nya lahat ng pera ko iniwan nya di'ng basag ang puso ko.

Exaggerated yung linya sa kantang may liriko na "kunin mo na nag lahat sa akin.. waglang ang aking mahal" namfota eh may kilala ako ang landi landi ng mahal nya.

Nung nagmahal ulit ako sinigurado kong nakalimutan ko na yung isa...pangit kasi kung magmamahal ako para lang makalimutan yung na una.

Hindi na ako makapag move on............ nung tinitigan mo ako at inayos mo ang buhok ko.

Ang mahirap sayo palagi mo sinasabi sa akin na nagbibiro ako, kahit na puro katotohanan yung mga tinatapon kong kataga sayo.


Friday, March 14, 2014